Querimit muling umulit
May 2, 2003 | 12:00am
MARIKINA - Nabalewala ang Tagaytay-to-Marikina Stage 6 ng Tour Pilipinas, pero hindi para kay Tanduay skipper Arnel Querimit.
Nagkaroon ng kalituhan sa ruta ng karera na naging sanhi ng pagkawatak-watak ng mga siklista at race officials sa bayan ng Sto. Tomas, Batangas na siyang dahilan upang i-restart ang karera sa kauna-unahang pagkakataon sa kasaysayan ng Tour, may 35 kilometro na ang tinatakbo nito.
"This is a unique case dahil almost majority ay na-confuse sa direction," ani race commisaire Renato del Mundo. We agreed to neutralized, kasi nagkanya-kanyang lusutan na ang mga siklista."
Nasira ang diskarte ng ilang siklista partikular na ang nasa sa six-man lead pack na kinabibilangan nina Enrique Domingo ng Postmen, Placido Valdez ng Drugbusters, Felix Celeste ng VAT Riders, Richard Aquino ng Samsung, Rainier Austria ng PLDT-NDD at Jecky Barrantes ng Drugbusters ngunit kabaligtaran naman ito para kay Querimit na naging back-to-back lap winner para sa kanyang ikatlong P10,000 stage prize.
"Kinausap ko ang mga team captains at team coaches at pumayag naman silang mag-restart para maging fair ang laban," anaman ni race director Art Cayabyab.
Dahil sa di inaasahang pagsulpot ng mahigit isang libong rallyista sa crossing ng Calamba, natakpan ang road sign ng karera at di rin nakita ang dinumog na race marshall na pinauna ng race director para magturo ng direksiyon.
Pakanan ang direksiyon ng karera partungong Sto. Tomas ngunit barado na ang kalsada ng mga rallyista dahil sa pagdiriwang ng Labor Day kahapon. Bagkus ay dumiretso ng Los Baños na bagamat unang ruta ay binago ng mga opisyal para makaiwas sa trapiko ang karera.
"Actually, hindi inaasa-han ang rally na ito. Doon kasi sila nag-converge. Masyado silang marami kaya hindi nakontrol ng mga pulis," paliwanag ni Mar Mendoza, project director ng 15-stage, 18-day race na ito na hatid ng Air21.
Bunga nito, walang pagbabago sa Top 10 overall individual standing dahil hindi na isinama ang oras ng kanilang tinapos sa karerang ito.
Mananatiling suot ni Merculio Ramos ang yellow jersey sa pagtakbo ng Stage 7 Marikina-to-Olongapo massed start ngayon.
Bunga ng sobrang iksi din pagdating sa finish, nagsalpukan ang mga siklistang sina Que-rimit, Mana-pol, Reinhard Gorrantes, Albert Primero, at Valdez.
Pumangalawa sa lap si Manapol ng Intel at ikatlo si Gorrantes ng Patrol 117. (Ulat ni Carmela V.Ochoa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 28, 2024 - 12:00am
November 27, 2024 - 12:00am
November 26, 2024 - 12:00am