Ang nasabing development ay agad na inihayag ni Philippine Olympic Committee president Celso Dayrit kahapon makaraang makatanggap ng abiso mula sa Malaysian Olympic Committee secretary general Datu Siek Kok Chi, na siyang dumalo sa SEAG Federation Council meeting sa Hanoi noong nakaraang Biyernes.
"This is good for us," ani Dayrit hinggil sa pagkakasama ng mens at womens marathon sa SEAG program."This will boost our gold medal chances the defending champions are both Filipinos--Roy Vence and Christabel Martes."
Ayon kay Dayrit, naging matigas ang Vietnamese organizers sa kanilang naunang desisyon na magkaroon lamang ng 32 sports disciplines na paglalabanan sa nasabing biennial meet, ngunit pumayag rin na magdagdag pa ng pitong iba pang events kabilang ang mens at womens marathon.
Ang limang iba pang bagong events ay ang mens at womens skeet sa shooting, snooker team sa billiards/snooker, mens over 105-kilogram sa weighlifting at womens sabre team sa fencing.
Umapela rin si Dayrit para isama ang bowling at golf, subalit ibinasura ito ng Vietnamese.