^

PSN Palaro

Tour Pilipinas caravan patungong Legaspi City

-
May 100 vehicle caravan ang aalis ngayong madaling araw patungong Legaspi City kung saan ang 15-stage, 18-day Tour Pilipinas 2003 ay pormal na papadyak at magbabalik sa buhay ng summer spectacle on wheels.

Ang pagtitipun-tipon ng mga siklista, team personnel, Tour officials, race personnel, sponsors, entertainers at members ng print at broadcast media na bumubuo sa 500 kataong Tour Pilipinas entourage ang kasali at sasaksi sa kick-off leg ng Tour sa lungsod na tanyag sa Mayon Volcano.

Ang karera, na nakakuha ng sanction ng Philippine Amateur Cycling Association mula kay PACA chairman Loi Cruz, at sisimulan ng massed start 183 kilometer sa labas at loob ng Legaspi via Sorsogon.

"This is it," ani Tour Pilipinas chairman Bert Lina, na kasama sina Tour organizer Lito Alvarez at executive director Mar Mendoza na naghirap ng isang taon para lamang sa preparasyon nito.

"The long wait is finally over. All the time and effort spent to prepare for the Tour will now come to fore," ani Lina na tinaguriang godfather ng cycling sa bansa.

Bago umalis ang entourage, ang kompetisyon sa 12 teams ay nag-simula ng mag-init nang buong suporta ang ibinigay ng Bowling Gold sa kanilang mga miyembro.

Matindi din ang pagnanais ng PAGCOR Sports na gumawa ng pangalan sa local cycling scene nang sumuporta din sina PAGCOR chairman Efraim Genuino at team manager Luis Carlos sa naturang koponan.

Sampu pang koponan bukod sa PAGCOR Sports at Bowling Gold ang gagawin ang lahat para lamang makuha ang P1 million pa-premyo sa top team at P200,000 sa individual champion.

Ang iba pang team na makikipagkarerahan ay suportado ng mga pribadong sektor tulad ng PLDT-NDD, Tanduay, Gilbeys Island Punch, Samsung at Intel habang sa government side naman ay ang Department of Interior and Local Government, Bureau of Internal Revenue, Department of Trans-portation and Communication at Department of Environment and Natural Resources na may kanya-kanyang adhikaing nais iparating sa pamamagitan ng karera.

Ang NBN-4 ang magpa-pakita ng highlights ng pang-araw-araw na karera habang ang Sports Radio ang mag-sasagawa ng blow-by-blow account sa Tour na suportado din ng Accel, Lipovitan, BPI-MS, FedEx at Mail & More. Ang iba pang susuporta ay ang Philtranco, Selletalia at Vittoria and Look.

BERT LINA

BOWLING GOLD

BUREAU OF INTERNAL REVENUE

DEPARTMENT OF ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES

DEPARTMENT OF TRANS

EFRAIM GENUINO

GILBEYS ISLAND PUNCH

TOUR

TOUR PILIPINAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with