^

PSN Palaro

4th straight win hangad ng Viva

-
Tangka ng Viva Mineral Water ang kanilang ikaapat na sunod na panalo sa kanilang pakikipagharap sa Welcoat Paints ngayon sa pagpapatuloy ng Sunkist-PBL Unity Cup sa Pasig Sports Center.

Nakatakda ang kanilang laban sa alas-4:00 ng hapon kung saan hangad ng Water Force na masundan ang kanilang 72-66 panalo kontra sa Blu Star noong Abril 13.

Nais naman ng Blu Star na makabawi sa kanilang dalawang sunod na talo sa muli nilang pakikipagharap sa LBC-Batangas sa alas-2:00 ng hapon.

Nanalo ang Detergent Kings laban sa Batangas Blades, 75-70 sa kanilang unang pagkikita noong Marso 30 sa San Juan Gym.

Bilang karagdagang atraksiyon, ipapakilala naman ng PBL ang RP Team na sasagupa sa Nutri-licious sa alas-6:00 ng gabing exhibition match.

Ang naturang laro ay bahagi ng commitment ng PBL sa national interest na magbibigay sa Nationals ng kanilang kinakailangang exposure na parte ng kanilang paghahanda para sa Southeast Asian Basketball Association (SEABA) Championship sa Mayo 5-10.

Matapos ang nakakahiyang 0-3 panimula, nakabangon ang Viva nang kanilang ipanalo ang laban sa LBC-Batangas at Nutri-licious at ang huli ay laban sa Blu.

Umaasa si Water Force coach Koy Banal na mapapanatili nina Francis Gerard Jones, Sonny Margate, Jason Misola, Joel Co at Dennis Mi-randa ang kanilang intensidad at mapantayan ang depensa ng Welcoat.

Base sa tournament format, ang top three pagkatapos ng inter-intra classification phase ay awtomatikong papasok sa semifinals habang ang anim pang ibang koponan ay dadaan sa step ladder phase.

Sa non-carry over stepladder phase, ang fourth, fifth at sixth team ay bubuuin ng Pool A at ang huling tatlong teams ay makakasama sa Group B.

Ang top team mula sa Pool A ay makakakuha ng twice-to-beat advantage laban sa top team mula sa Group B na siya namang magtutunggali para sa pinakahuling semifinals berth.

vuukle comment

BATANGAS

BATANGAS BLADES

BLU STAR

DENNIS MI

DETERGENT KINGS

FRANCIS GERARD JONES

GROUP B

KANILANG

POOL A

WATER FORCE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with