Negros 8th Team sa NBL
April 16, 2003 | 12:00am
Tinanggap ang Negros Oriental bilang ikawalo at bagong miyembro ng National Basketball League (NBL) na magbubukas ng kanilang unang national championship simula sa Mayo 10.
Kinumpirma ni Gov. George Arnaiz ang paglahok ng Negros Oriental at kanilang pinili ang Lamberto Macias gymnasium bilang kanilang home venue.
Pitong iba pang koponan--tatlo mula sa South at tatlo mula sa North ang magpapakita ng aksiyon na kasalukuyang mayroon ng tinanggap na suporta mula sa Air Philippines, Gatorade at Molten Basketballs.
Makakasama ng Negros Oriental sa South ang M. Lhuillier Kwarta Padala-Cebu, Bacolod at Shineway Ham Sausage-Ozamiz, habang ang mga koponan na bubuo sa North ay ang Pampanga, Tarlac, Forward Taguig at Spring Cooking Oil-Bulacan.
Itinalaga si international referee George Magsino bilang head ng technical committee kasama ang iba pang IR na si Anthony Sulit bilang assistant.
Ang final briefing at tryouts para sa pool of referees sa Luzon ay gaganapin sa Abril 24-27, habang ang sa South tryouts ay sa Mayo 5-7. Ang mga aplikante ay maaaring makipag-ugnayan sa NBL Secretariat at hanapin si Cecille Sarmiento o Maripaz Garcia sa tel. nos. (02)8111374/ 75 para sa iba pang detalye.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest