^

PSN Palaro

Budget sa Palaro aprubado na ng PSA

-
Inaprobahan kahapon ng Philippine Sports Commission (PSC) ang paglalaan ng budget para sa Palarong Pambansa matapos ang ginanap na executive council meeting para sa May 4-11 meet sa Lanao del Norte.

Agad na ninombrahan ni PSC Chairman Eric Buhain na ipamahagi ang pondo sa iba’t ibang regional delegations na kasalukuyan ng nagpe-prepara para sa Palaro kung saan hindi baba sa 5,000 student-athletes ang inaasahang lalahok dito.

Ipinalabas na rin ng Pangulong Arroyo ang P30 milyong budget para sa nasabing Palaro bukod pa ang P10 milyon na inaprobahan ng Congress sa pamamagitan ng General Appropriations Act.

Ayon kay Buhain, bibig-yan ng prayoridad ang mga kalahok na mag-aaral na kabataan na tutungo sa Mindanao mula sa buong panig ng bansa na pawang iisa ang inaasam ang maging susunod na athletic superstars ng bansa.

AYON

BUHAIN

CHAIRMAN ERIC BUHAIN

GENERAL APPROPRIATIONS ACT

INAPROBAHAN

IPINALABAS

PALARO

PALARONG PAMBANSA

PANGULONG ARROYO

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with