^

PSN Palaro

2 gymnasts mula sa A.C. Herrera ES nang-agaw ng eksena

-
Dalawa pang kabataang gymnasts mula sa A.C. Herrera Elementary School ang sumungkit kahapon ng tig-apat na golds upang umagaw ng eksena sa pinal na araw ng second edition ng Manila Youth Games sa Rizal Memorial Gymnastics Center.

Pinangunahan nina Mage Wagan at Rizza Desiree Gracia, kapwa 12-anyos ang hoop, ball, rope at individual all-around events sa category 1 Level 2-B o Advance Group at category 1 Level 1 o Novice Group, ayon sa pagkakasunod ng Rhythmic Gymnastics competition.

Sa category 1 Level 2-A Beginners Group, winalis rin ni Rachelyn Astillar ng Bo. Obrero Elementary School ang apat na golds sa hoop, ball, rope at individual all-around, habang nakisosyo rin si Bleau Berry ng Jose Abad Santos High School sa tatlong unang quadruple gold medal winners nang magwagi sa all-events sa category 2 Level 2 o Advance Group.

Umumit naman ang District 1 at District 5 ng tig-dalawang golds sa anim na gold medals na nakataya sa chess competition na ginanap sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila.

Iniuwi ng magkapatid na Jude at Emil Fronda at Jan Jodilyn Fronda ang dalawang ginto sa District 1 makaraang manalo sa boys 12 and under at girls 10 years and under, ayon sa pagkakasunod.

Nagwagi naman ng gold para sa District 5 sina Lehi Dan Stephen Laceste ng Paco at Kathleen Ann Mendoza ng Sta. Cruz, kapwa 12-anyos nang kanilang dominahin ang girls 15 and under at girls 12 and under sa 5-round Swiss event.

vuukle comment

A BEGINNERS GROUP

ADVANCE GROUP

BLEAU BERRY

EMIL FRONDA

HERRERA ELEMENTARY SCHOOL

JAN JODILYN FRONDA

JOSE ABAD SANTOS HIGH SCHOOL

KATHLEEN ANN MENDOZA

LEHI DAN STEPHEN LACESTE

MAGE WAGAN

MANILA YOUTH GAMES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with