Woolpert nag-resign?
April 12, 2003 | 12:00am
Sa pakikipagsagupa ngayon ng Talk N Text sa defending champion Coca-Cola sa kanilang out-of-town game sa San Fernando, Pampanga, hindi na masisilayan si Paul Woolpert sa bench.
Sa araw na ito, ang UAAP champion coach na si Joel Banal ang hahawak ng Phone Pals sa kanilang alas-5 ng hapong laro sa Bren Guiao Sports Complex.
Si Woolpert ay umalis na kahapon at ayon sa mapagkakatiwalaang source, dalawang linggo na ang nakakaraan nang pirmahan ng Amerikanong coach ang kanyang resignation.
"It was a mutual agreement, pahayag ni team manager Ricky Vargas. Paul Woolpert also wanted to explore other posibilities and it was something we mutually agreed upon."
Sa kasalukuyan, ang Phone Pals ay may 4-4 record tulad ng Coca-Cola sa Group B.
Samantala, labis na katuwaan ang nadama ng Shell Velocity at daig pa nila ang nanalo ng championship makaraang makatikim ng pana-lo matapos ang walong sunod na kabiguan.
Naging biktima ng Turbo Chargers ang Purefoods TJ Hotdogs na kanilang naungusan sa pamamagitan ng 68-65 tagumpay upang maiangat ang kanilang koponan sa 2-9 panalo-talo karta sa Group B.
Sumablay ang panablang tres ni Noy Castillo sa huling posesyon ng TJ Hotdogs na siyang dahilan ng kanilang ikaanim na pagkatalo sa 10 laro, na pumutol ng kanilang three-game winning streak.
Sa tulong ni Rensy Bajar, hinabol ng Turbo Chargers ang sampung puntos na kalamangan ng Hotdogs at umabante sa 65-60.
Ngunit naka-5-1 run ang Purefoods kahit na may apat na sunod na pagmimintis sa kanilang isang posesyon at makalapit ito sa 65-66, 13 segundo na lamang ang nalalabi mula sa triple ni Rodney Santos at free-throws ni Gilbert Demape.
Naikonekta naman ni Tony dela Cruz ang kanyang dalawang free-throws mula sa foul ni Kerby Raymundo upang bigyan ng tatlong puntos na kalamangan ang Shell, 10.9 segundo pa bago pumaltos ang tangkang triple ni Castillo.
Sa di inaasahang pagkakataon, nagsimula ang eight game losing streak ng Shell nang sila at matalo sa Purefoods at natapos din ang kanilang kamalasan sa TJ Hotdogs. (Ulat ni Carmela Ochoa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended