San Beda vs UPIS finals

Isinaayos ng San Beda at University of the Philippines Integrated School ang laban ng NCAA at UAAP champions matapos ang impresibong tagumpay sa kanilang magkahiwalay na laban sa crossover semis ng Sunkist Youth Basketball Championship sa Makati Coliseum kahapon.

Bumawi ang Red Cubs sa kanilang mahinang simula sa pamamagitan ng run and gun game sa ikalawang quarter upang igupo ang San Sebastian Staglets sa pamamagitan ng 81-55 panalo.

Dinomina naman ng UP Preps ang kanilang laban kontra sa Faith Academy mula sa simula hanggang matapos ang laro tungo sa 83-66 tagumpay.

Magsasagupa ang San Beda at UPIS na parehong walang talo mula eliminations hanggang semis sa alas-2:30 ng hapon sa Makati Coliseum.

Sinorpresa ng San Sebastian ang San Beda nang kanilang kunin ang 12-11 pangunguna matapos ang 8-2 run ngunit ito na ang huling pagkakataong nahawakan nila ang liderato nang magsimu-lang humarurot ang Red Cubs sa ikalawang quarter.

Show comments