2 swimmer ng MSST humakot ng tig-6 golds sa MYG
April 9, 2003 | 12:00am
Anim na golds bawat isa ang nilangoy ng tatlong swimmers mula sa Manila Sea Hawks Swimming Team (MSST) upang pangunahan ang dominasyon ng kanilang team sa unang araw ng kompetisyon sa swimming ng 2nd Manila Youth Games kahapon sa Rizal Memorial Swimming pool.
Sinimulan ng 6 yrs. old na si Mikee Bartolome, anak ng dating PBA referee na si Domingo Bartolome, ang pananalasa ng MSST tankers nang apat na gold medals ang kanyang ibinulsa sa girls 6 and under individual events at dalawa naman sa relay events.
Si Bartolome, na dinuplika din ang 7-gold medals ng kanyang nakatatandang kapatid na si April noong nakaraan taong edisyon, ay nanguna sa 50m backstroke, 50m butterfly, 50m freestyle at 50m breaststroke bago pinamunuan ang kanyang team 4x50m individual medley relay at 4x50m freestyle.
Nabigo naman ang 7 taong gulang na si April na umusad sa sumunod na age group level, ang girls 7-8 category na makakuha ng medalya nang ma-sweep ng kanyang kakamping si Judith Elizab Inna Cruz ang lahat ng kanyang event para maging ikalawang swimmer mula sa MSST na sumungkit ng anim na gintong medalya.
Ang ikatlong swimmer naman na nagwagi ng anim na gold kahapon ay ang 14 anyos na si Thessa Paula Alcantara na nagwagi sa girls 14-15 50m butterfly, 50m freestyle, 50m back, 100m IM at 4x50m freestyle relay.
Sa boys division, ang 10 taong gulang na si Johanson Aguilar ng Skip-Jack Swimming Team ay nagwagi ng 5 golds kasunod ang 14 anyos na si Ken Uy na kinatawan naman ng PCA na may four golds at 1 silver.
Ang iba pang MSST swimmers na nagwagi ng gold medals kahapon saisang linggong youth sportfest na suportado ng PSC, PAGCOR, WG&A Superferry, Globe Telecoms, Viva Mineral Water, Power Aide, Victor Sports and Press Works ay sina Alethea Alcantara, Amir Lim, Jasmine Alkhadi, Fahad Alkhadi at Jesusa Infante.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am