Naghanda rin ang mga organizers ng Tour na hatid ng Air 21 ng mga tiangge at mini-raffles.
"It would be a fiesta wherever the Tour goes," pahayag ni Bert Lina, chairman ng Tour Pilipinas na magbabalik ng kinagi-liwang sports event ng bansa.
Magkakaroon ng Live band, kasama ang Tour Pilipinas dancers at standup comedians upang aliwin ang mga tagasubaybay ng Tour.
May anim na priba-dong kumpanya na ang magsisilbing sponsors ng 12 teams na binubuo ng 84 riders na maglalaban laban para sa P1 milyon team prize at P200,000 individual classification prize .
May kabuuang 2,460 kilometro ang tatahakin ng mga siklista sa 15-stage event na ito.