Apat na dating kampeon, kabilang ang tatlo sa mens division ang muling babalik upang tangkaing manalo sa kompetisyon na sisimulan sa Sabado at Linggo sa tanyag na island paradise na kilala sa pagkakaroon ng puting buhangin na nagkikislapan sa gabi.
Determinado ang mga finalists sa nasabing annual event na ipi-prisinta ng Nestea na magwagi makaraan ang walong araw na kompetisyon na umabot sa 184 matches kabilang ang 96 koponan--na magmumula pa Baguio patungo sa norte hanggang Tawi-Tawi pababa sa south na sumali sa Rockwell Center sa Makati.
Nakataya rin dito ang P50,000 halaga ng sports equipment na mapupunta sa mga mananalong paaralan.
Ang iba pang kasali sa mens division ay ang Mindanao State University, Negros Occ., Recoletos, 1998 champion San Sebastian,UP Diliman, defending champion San Jose Recoletos, Central Colleges of the Philippines at St. Benilde. Nasungkit ng Foundation U ang korona noong 2001.
Sa womens side, ang mga finalists ay ang University of Cebu, Southwestern University, 2002 at 2001 winner San Sebastian,Letran, San Jose Recoletos, Holy Cross of Davao College at University of Baguio.