^

PSN Palaro

Paghahanda sa Vietnam SEAG tatalakayin sa POC General Assembly

-
Ang paghahanda para sa nalalapit na pagsabak sa 22nd Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam ang pagtutuunan ng pansin sa General Assembly ng Philippine Olympic Committee ngayong alas-12:00 ng tanghali sa Milky Way Restaurant sa Makati City.

Inaasahang mapapag-usapan din ang preparasyon ng bansa para sa pagho-host ng 2005 SEA Games sa meeting ngayon.

Isa-isa nang pinulong ng POC ang iba’t-ibang National Sports Associations (NSAs) ngunit kailangan pa ring ma-update ang POC sa kalagayan ng kanilang mga atleta.

Kailangang alamin ng POC kung ano pa ang dapat gawin at kung ano pa ang kailangan ng mga atleta na naghahanda para sa Vietnam Games.

Magiging mainit na isyu sa 2005 SEAG hosting kung saan gaganapin ang Palaro dahil maraming lalawigan ang nais mag-host tulad ng Pampanga, Bacolod, Cebu, Naga, Lanao del Norte at ang Manila.

Nais naman ni Ali Atienza, chairman ng Manila Sports Council (MASCO) na dito sa Maynila ganapin ang opening at closing ceremonies ng 2005 SEA Games bilang capital city ng bansa.

Posible ring talakayin ang charter change, na kinukuwestiyon ni Buddy Andrada ng tennis association, kung ano ang tunay na kaibahan ng kapangyarihan ng general assembly at ng executive council.

"The General Assembly will also tackle the activities regarding the country’s hosting of the 2005 SEA Games," pahayag ni Nestor Ilagan ng rowing. (Ulat ni CVOchoa)

ALI ATIENZA

BUDDY ANDRADA

GENERAL ASSEMBLY

MAKATI CITY

MANILA SPORTS COUNCIL

MILKY WAY RESTAURANT

NATIONAL SPORTS ASSOCIATIONS

NESTOR ILAGAN

PHILIPPINE OLYMPIC COMMITTEE

SOUTHEAST ASIAN GAMES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with