Para naman sa performance ni Vergel Meneses sa pag-arangkada ng FedEx, super ay bagay na sa kanya.
Ang dalawang players na ito na kumakatawan ng magkaibang henerasyon ay ang naging sentro ng atraksiyon dahil sa kanilang kontribusyon para sa kanilang koponan sa kasalukuyang eliminations ng Samsung PBA All-Filipino Cup.
Kaya naman sila ang napiling co-players of the Week para sa linggong Marso 17-23.
Sina Meneses at Menk ang unang mga players na naghati sa naturang karangalan sa taong ito habang si Meneses ang unang two-time at back-to-back awardee sa season na ito para sa naturang citation.
Kapwa sila karapat-dapat sa award na ito.
Pumukol si Menk, kilalang Major Pain, ng tres upang wakasan ang regulation at ang unang overtime sa kanyang 37-minutong paglalaro para sa kanyang 45-points at 18 rebounds performance upang ihatid ang Ginebra sa 122-177 panalo kontra sa Talk N Text na tumapos ng kanilang losing streak,
"My mom watched me play against San Miguel and she said I was being too tight and too intense. She said I should just relax and have fun out there and thats what I did. It was tiring, but it was fun," ani Menk.
Nagtala naman si Meneses ng personal season high 30 points nang igupo ng Express ang Shell, 98-92 bukod pa sa kanyang walong assists. Kumayod din ito ng 16-puntos upang tulungan ang FedEx sa 85-72 panalo kontra sa defending champion Coca-Cola.
"Medyo kundisyon lang ako at maganda ang pakiramdam sa opensa. Pero ang key pa rin, total team effort.
Yung contributions ng teammates ko ang nagpapadali sa trabaho ko," wika ni Meneses.