^

PSN Palaro

Palarong Pambansa kapos sa budget

-
Panibagong problema naman ang kakaharapin ng Lanao del Norte hinggil sa kanilang napipintong pagho-host ngayong taong Palarong Pambansa.

Bukod sa seguridad, hindi ubra ang ibinigay na P10 milyon budget ng Kongreso para gastusan ang nasabing biennial meet na ito para sa high-school at elementary students na nakatakdang sumikad sa darating na Mayo 4-11 sa Tubod, Lanao del Norte.

Ayon kay PSC commissioner William ‘Butch’ Ramirez, hihingi ang Lanao del Norte ng tulong kay Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo upang maituloy ang nasabing multi-meet na ito sa pamamagitan ng kanyang Presidential Assistance Fund.

Bukod sa President’s fund, hihingi rin ng tulong ang PSC at Lanao del Norte ng karagdagang tulong mula sa Department of Budget and Management sa pamamagitan ni Secretary Emilia Boncodin, gayundin sa mga private at business sector.

AYON

BUKOD

DEPARTMENT OF BUDGET AND MANAGEMENT

KONGRESO

LANAO

NORTE

PALARONG PAMBANSA

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

PRESIDENTIAL ASSISTANCE FUND

SECRETARY EMILIA BONCODIN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with