Nanatiling walang talo si Gorres sa kanyang ika-12th na laban matapos itala ang technical knockout laban kay Roy Balataria.
Itinigil ni referee Ferdinand Estrella ang laban matapos pabagsakin ni Gorres si Balataria makalipas ang 19 segundo ng ikaanim na round.
Pinabagsak din ni Rubillar sa pamamagitan ng technical knockout si Namchai Thaksinesan, 2:09 ang oras sa ikapitong round.
Pinabagsak ni Baby Lorona Jr. ang nakababatang kapatid ni Manny Pacquiao na si Bobby Pacquiao sa kanila ring non-title fight.
Tatlong beses binigyan ng mandatory count si Bobby bago tuluyang ihinto ng referee ang laban makalipas ang 48 segundo sa ikapitong round.
Sa preliminary bout, nagsipanalo sina Jun Paiman, Florante Condes, Jezrell Angel at Peter Cabanay.
Tinalo ni Paiman si Fel Oydoc sa pamamagitan ng unanimous decision sa kanilang 6 rounder 132 lbs.
Isang technical knockout naman ang itinala ni Condes laban kay Sonny Boy Jaro sa kanilang 4 rounder 106 lbs. match at nagtala naman ng split decision si Angel kontra kay Elmer Paganpan sa kanila ring 4th rounder 112 lbs. match.
Binuksan ni Cabanay ang aksiyon sa pama-magitan ng unanimous decision laban kay Jeffrey Cenic sa kanilang 4 rounder 135 lbs. card.
Habang sinusulat ang balitang ito, kasaluku-yang nakikipagpalitan ng suntok ang IBF super bantamweight champion Manny Pacquiao kontra kay Serikzhan Yeshmangbetov ng Kazakhstan sa isang non-title fight ngunit reputasyon naman ng Pinoy champ ang nakataya. (Ulat ni Carmela Ochoa)