PBA buhay na naman!

Unti-unti ng bumalik ang sigla para sa Philippine Basketball Association.

Ito ay dahil na rin sa gumaganda na ang attendance at game receipts base na rin sa unang pitong game days kumpara sa naturang araw noong nakaraang taon.

"This is truly exciting. It certainly is inspiring on our part to see that the people have not only continued their patronage of the league despite a format that we are only beginning to establish, but also to see that the people are really interested in the so-called new chapter of the PBA," masayang pahayag ni PBA commissioner Atty. Noli Eala.

Kumpara sa unang pitong laro noong nakaraang taon, ngayon ay tumaas pa ng 50.19% sa ticket sales at 32.52% sa live attendance naman, habang noong nakaraang taon ang liga ay nakakuha lang ng P3,448,475 sa gate receipts at sa live attendace naman ay 31,530.

Ngayong taon umabot ng P5 million mula sa P5,179,290 sa ticket sales mula sa 41,782 na dumayo sa mga playing venues.

Maraming pagbabago ang isinagawa ng PBA para palakasin muli ang liga tulad ng pagbawas ng conference sa dalawa na lamang ngayong season kung saan sa kanilang break ay idadaos naman ang Asian Invitational.

Show comments