Budget ng PSC ipagtatangol ni Legarda

Ipagtatanggol ni Senate Majority leader Loren Legarda na magkaroon ng mas malaking budget ang Philippine Sports Commission (PSC) para sa susunod na taon kung saan natuklasan ng senadora na aabot lamang ito ng P74 million kumpara sa proposed budget nitong P105 millon para sa 2003.

Sinabi ni Legarda na nakakalungkot isipin na hindi nabibigyan ng prayoridad ng pamahalaan upang pagkalooban ng mas malaking budget ang ating mga atleta gayung ito ay nagbibigay karangalan sa ating bansa. Ito rin aniya ang dahilan kung bakit lugmok na ang sports sa ating bansa.

Ayon pa kay Legarda, mula sa P125 milyong budget ng PSC noong 2002 ay naging P105 na lamang ito sa kasalukuyang taon at ang masakit ay magiging P74 milyon na lamang para sa taong 2004.

Aniya, dahil dito, hindi maibibigay ng PSC ang mga magiging pangangailangan ng ating mga atleta upang mapangalagaan ang kalusugan at katatagan nito dahil sa kakarampot na bugdet para sa ating training.

"I know that these are trying times, that we need to initiate belt-tightening measures. But to slash ther budget of Philippine Sports this way is simply too much. With this budget, we might as treat our athletes like carabao, feed them with mush and grass, and hope that sheer patriotism will carry them victory," pagtatanggol ni Legarda.

"Sports does not only make a nation, but also reveals its character and if we insists on starving our athletes of support, we might as well throw in the towel and proclaim Philippine sports dead and buried," pagtatapos ni Legarda. (Ulat ni Rudy Andal)

Show comments