^

PSN Palaro

Kampanya ng Ilocos Norte napaganda

-
MANAOAG, Pangasinan – Naging maganda ang kampanya ng defending overall champion Ilocos Norte na mapanatili ang kanilang hawak na korona sa Ilocos Region Athletic Association (IRAA) meet kahapon sa Manaoag National High School Athletic grounds dito.

Humakot ang mga atleta mula sa Marcos country ng apat mula sa anim na gintong medalya na pinaglabanan, kabilang ang record breaking throw ng shot putter na si Hanna Erika Sia upang maagang kunin ang pangunguna para sa karera ng padamihan ng ginto.

Winalis rin ng Ilocos Norte ang apat na throwing competition, bagamat dinomina ng La Union ang dalawang running events.

Winasak ni Sia, nagwagi ng ginto noong nakaraang taong Palarong Pambansa ang dati ng record na 9.70 metro na naiposte niya mismo noong nakaraang taon nang pumukol ito ng bagong meet record na 10.23 metro na kanyang naikamada sa ikatlong pagbato.

Nakopo ni Memory Lyn Sumang ng Pangasinan II ang silver sa kanyang 8.36 metro, habang ang bronze ay napasakamay naman ni Cyrell Mae Eluis ng Pangasinan.

Hindi rin nagpahuli si Mark Rafael Ramos nang kanyang dominahin ang secondary (boy) division ng nasabi ring event sa itinalang 10.26 dis-tansiya para kunin ang unang puwesto, habang bumagsak naman sa ikalawang puwesto si Franz Bonago ng Pangasinan II na mayroong 10.04 at Eric Garcia ng San Carlos City na nakuntento lamang sa bronze sa kanyang 9.28.

Nauna rito, ibinigay naman nina Angelyn Mangonteng at Michell Kate Corpuz sa Ilocos Norte ang gold-silver finish sa elementary (girls) category sa shot put event nang ang 12-anyos at grade 6 pupil ng Rayuray Elementray School sa Batac na si Mangonteng ay bumato ng distansiyang 8.61 metro na sapat na para sa kanyang ginto habang ang teammate na si Corpuz ay mayroong 7.70m.

Si Ma. Teresa Caaya ng Pangasinan ang nanalo ng bronze sa kanyang itinalang 7.58 distansiya.

ANGELYN MANGONTENG

CYRELL MAE ELUIS

ERIC GARCIA

FRANZ BONAGO

HANNA ERIKA SIA

ILOCOS NORTE

ILOCOS REGION ATHLETIC ASSOCIATION

LA UNION

MANAOAG NATIONAL HIGH SCHOOL ATHLETIC

PANGASINAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with