Kampanya nina Torre at Paragua bumigay
March 4, 2003 | 12:00am
DOHA, QATAR Tuluyan ng bumigay ang kampanya nina Grandmaster Eugene Torre at International Master Mark Paragua para sa World Championship sa kabila ng paglalaro nila sa puting piyesa makaraang lumasap ng kabiguan sa kani-kanilang kalaban sa pagsasara ng fourth Asian Mens Championship sa Marriott Hotel dito.
Yumukod si Torre sa Qatari na si Kadhi Hamed Ali sa 42 sulungan ng French defense, habang nabigo naman si Paragua sa marathon game 90-moves kontra kay Sekhar Surya Ganguly ng India sa kanilang Queens Pawn-London System game.
Sina Paragua at Torre ay tumapos ng parehong may tig-limang puntos makaraan ang 9-round na paglalaro.
Tinalo naman ni Bong Villamayor, isa pang Filipino GM na lumahok sa nasabing event na nagsilbi ring qualifier ngayong taon para sa World Championship si Kidambi Sundararajan, subalit wala na itong saysay dahil sa sibak na ang Pinoy sa kontensiyon. Siya ay tumapos ng 4.5 puntos.
Ginapi ni GM Krishnan Sasikiran ng India si GM Darmen Sadvakasov ng Kazakhstan upang maibulsa ang gold medal at ang top purse na $12,000.
Nakipag-draw naman si Iranian GM Ghaemn Maghami Ehsan kay GM Utut Adianto ng Indonesia upang mapagwagian ang silver medal at $10,000 premyo.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended