Sumabit sa damo!
February 27, 2003 | 12:00am
Dumaan ang dalawamput siyam na taon na walang nababalitaang gumagamit ng droga sa PBA o sa anumang liga sa Pilipinas. Kahapon, bumulaga sa marami ang balitang positibo umano sina Asi Taulava ng Talk N Text Phone Pals at Dorian Peña ng San Miguel Beer sa paggamit ng marijuana.
Dekada nang nagsisilbing doctor ng liga si Dr. Ben Salud, at karaniwan lamang nakikita ang mukha niya kapag sukatan ng taas ng import, o kung sakaling may mapilayan sa court tuwing may laro. Subalit ngayon, tila siya ang tagapaghatid ng masamang balita.
Ang natagpuan sa urine samples ng dalawang manlalaro ay hindi nangangahulugang gumagamit sila ng mga ipinagba-bawal na gamot. Maaari nitong ipahiwatig na napasama sila sa mga ibang gumagamit. Maaaring hindi nila nalalaman. Ang ipinagtatanong ng marami ay kung paano lilitaw iyon sa kanilang ihi kung kakaunti lamang ang kanilang nalanghap. Naligtas sila ng negatibong resulta naman sa test ng NBI.
Subalit sapat na ang naunang report kay Com. Noli Eala. Sinuspindi ni Eala ang dalawa ng tig-dalawang laro.
"Hindi namin sila sinususpindi dahil gumagamit sila ng bawal na gamot,"ÿ paliwanag ng abogado. "Suspindido sila dahil hindi sila pumasa sa physical exam nila."
Dagdag pa ni Eala na anuman ang dahilan at lumitaw sa katawan ng dalawa ang naturang sangkap, hindi ito palulusutin ng PBA.
"Whether you are an accidental, incidental or habitual user, you will be sanctioned by the PBA," mariing babala ni Eala, na isa ring basketbolista.
Marami pa ring katanungang di nasasagot. Paano lumitaw ang marijuana sa urine sample ng dalawa? Sino o ano ang naging tulay para mangyari ito sa kanila? Ayaw man nila, na-pansin sila sa maling dahilan, at kailangang patunayan nila na silay biktima lamang ng pagkakataon, at di sinasadyang gumamit ng bawal na gamot. Nabahiran nila ang ngalan ng kanilang mga koponan, at ng kanilang liga, na kasisimula pa lamang.
Mahirap burahin iyon. Pero kayang gawin, kung makikipag-tulungan sila sa PBA para hindi na ito maulit kailanman.
Kung gusto ninyong lumiham, ako ay nasa [email protected].

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended