Danny I. Basahin mo ito
February 26, 2003 | 12:00am
Bongga ang pagbubukas ng PBA last Sunday sa Araneta Coliseum. Naging isang malaking tagumpay ito hindi lang para sa PBA kundi para na rin kay new PBA Comm. Noli Eala at new chairman of the board Jun Cabalan at sa NBN 4 tandem nina Ms. Mia Concio at Joey Isabelo.
Sanay magtuloy-tuloy ito for the rest of the season.
Sanay maging exciting pa ang mga laro at patuloy na ma-maintain ang interest ng mga basketball fans sa PBA!
Congratulations to the PBA!
Congratulations, Noli!
Congratulations, Mr. Jun Cabalan ng Ginebra San Miguel!
Congratulations NBN 4!
Kawawa rin naman itong si Danny Ildefonso.
Matapos ang sunod-sunod na glorya sa buhay niya, hayan at may injury at di pa makakalaro para sa kanyang team.
Kasi naman, kung kailan sumikat at nagka-pangalan eh tsaka naman pinutakti ng mga taong nagsidikitan at nag-sipsipan sa kanya.
Nung walang-wala naman yang si Danny Ildefonso eh wala naman yang mga taong nakapaligid sa kanya at pumapapel sa buhay niya na akala mo kung sino na ngayon.
Eto namang Danny, hindi naman marunong kumilatis ng mga taong kina-kaibigan niya.
Aba, Danny, isipin mo lang at tumingin ka lang sa iyong nakaraan at paka-isipin mong mabuti kung sinu-sino ang mga taong noon ay laging nandiyan para tulungan ka. Yun ang mga taong dapat mong mahalin at kaibiganin habambuhay.
Iwasan mo na yang mga taong kung kailan ka sumikat eh tsaka naman nag-umpisang umaligid sa yo at pumapel sa buhay mo.
Kita mo, nadikitan ka pa ng isang malas sa buhay mo kaya hayan ang nangyari sa yo.
At kapag di ka marunong kumilatis ng mga taong nasa paligid mo, patuloy ka pang mamalasin at baka tuluyan nang malaos tulad din ng mga nangyari sa ibang players na nasaniban ng kamalasan ng mga taong tulad nila.
Eto ang tandaan mo, Danny. Nakarating ka sa kinaluluklukan mo ngayon dahil sa sipag mo at dahil isa kang mabait na tao, nooy isa ka lang mahirap na tao at walang-wala. Biniyayaan ka ng Diyos dahil alam niyang isa kang mabuting anak, isa kang magaling na player, isa kang mabait na asawa at ulirang ama sa mga anak mo.
Yung mga taong nakatulong sa yo noong nag-uumpisa ka pa lang ang siyang mga dapat mong i-treasure dahil yan ang mga taong tutoong nagmamalasakit sa yo.
Buhusan mo nga ng mainit na tubig ang mga taong sumabit sa yo kung kailan sikat na sikat ka na at ngayon eh sila pang mga kay lalakas ng loob at nagmamayabang na sila raw ang nagpasikat sa yo. Buhusan mo ng mainit na mainit na tubig at nang magising lahat ang mga yan at nang matuklap ang mga ke kakapal na apog sa mukha nila. Gawin mo yan nang mawala na ang ilang malas na tao sa buhay mo.
Yan naman Danny eh kung nagmamalasakit ka pa sa iyong mukhang naunsiyami nang basketball career!

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended