M. Lhuillier-Kwarta Padala silat sa Shineway Ham Sausage

Kumana ang Shineway Ham Sausage ng Ozamis ng dramatikong 95-92 panalo sa overtime kontra sa powerhouse M. Lhuillier-Kwarta Padala ng Cebu noong Sabado upang pasiglahin ang ikalawang araw ng Luzon leg ng National Basketball League’s (NBL) first regional championship sa San Juan gym.

Nagsalpak ang beteranong si Egay Echavez ng anim na freethrows sa overtime upang gulantangin ang Jewelers na pinangunahan ng ex-PBA stars na sina Mike Orquillas, Noynoy Falcasantos, Zaldy Realubit at Bonel Balingit.

Winalis ng University of Assumption ang Forward Taguig, 80-70 upang masolo ang pangunguna habang pinayukod naman ng Interclub champion Spring Cooking Oil ng Malabon ang Wang’s Ball Club ng Mandaluyong, 87-78 upang makisosyo sa ikalawang puwesto sa Lhuillier, Ozamiz at Taguig na pawang naglista ng 1-1.

Show comments