Ang apat na miyembro ng National team na suportado ng NCFP at PSC ay sina Grandmasters Eugene Torre, GM Joey Antonio, GM Bong Villamayor at GM candidate Mark Callano Para-gua.
Ang isang linggo torneo ay magsisilbi ding qualifying tournament para sa FIDE mens championship sa isang taon.
Bukod sa 10 slots na nakataya may nakalaan ding cash prizes para sa mga magwawagi mula first hanggang 12 place.
Magsisilbing training din ito para sa RP chess team na umaasam na makakuha ng medalya sa Southeast Asian Games sa Vietnam sa Disyembre kung saan sa unang pagkakataon ay kasama ang chess sa kalendaryo.
"We will do our best, we know is a very tough competition not to mention the players from others countries," pahayag ni Torre na lalaro sa top board.