Nananaginip ng gising
February 16, 2003 | 12:00am
2005. Parang malayo pa, 'no?
Dalawang taon pa. Malayo pa ang Southeast Asian Games na dapat gawin dito. Saan tayo magsisimula? Parang napakaraming tanong na dapat pang sagutin. Una sa lahat, saan ba ito gagawin? Aling lalawigan ba ang may kakayahang magdaos ng ganito kalaking laro?
Aling mga laro ba ang papayagan natin? Bilang punong-abala, mayroon tayong mga sport na puwedeng isali kung saan tayo nakakasigurado ng ginto. Ilan lamang ito sa mga larong hindi isinama ng ibang bansa dahil dehado sila sa atin: billiards, cycling, wushu. Di pa natin masabi kung ilang medalya ang nakataya.
Sabihin na nating sampung libong delegado ang dadalo, saan sila titira? Paano ang pagkain, transportasyon, seguridad, komunikasyon, koordinasyon, at iba pang pangangailangan? Sino ang mag-aasikaso?
Sino ang hahawak sa TV coverage? Paano nila makukunan ang lahat ng events na sabay-sabay? Paano naman ang print media, saan sila ilalagak? Sapat ba ang mga linya ng telepono para sa mga Internet connections ng halos dalawampung libong media na sisipot?
Paano naman ang paghahanda ng mga atleta natin? Sa huling minuto na naman ba ang pag-eensayo? Matatangap na lang ba nila ang mga kagamitan nila pag labanan na? Anong mga sport ang pagtutuunan ng pansin para makarami ng ginto?
Noong si Peter Ueberroth ang humawak sa 1984 Los Angeles Olympics, lahat ng mg naunang Olympic Games ay nalugi ng daan-daang milyong dolyares. Subalit ang una niyang ginawa ay kumuha ng mga TV sponsor, at pinilit niyang magtayo sila ng mga swimming pool, velodrome at iba pa bilang bahagi ng kanilang sponsorship. Sunod dito, kumuha siya ng mga volunteers na mahigit 70,000. At nagtagumpay siya. Kumita ang LA.
Magagawa ba natin iyan dito?
Kung di natin masagot ang mga katanungang iyan, para tayong nananaginip ng gising.
Kung nais ninyong sumulat sa akin, mag-e-mail sa [email protected].

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am