Ipinarating ni GMC team manager Albert Tan ang kanyang intensiyon na sumapi sa liga kay PBL Commissioner Chino Trinidad sa huling pagtatanghal ng CBF-PBL Dual Meet sa Cebu, ngunit ang tanging hinihintay na lamang niya ay ang final na salita mula sa companys advertising executives kung ipupursige nila ang nasabing plano o hindi na itutuloy.
Ang dalawang iba pang koponan na naiulat na nagnanais na sumali sa PBL ay ang Nutrili-ciuos, na siyang kukuha sa prangkisa ng Shark Energy Drink at ang Viva Mineral Water ng San Miguel Corporation na inaasahang dadalhin ang buong lineup ng FEU Tamaraws bilang bahagi ng kanilang programa sa UAAP.
"Were happy that many companies now are inspired to pour their support to the PBL, and this is an indication and proof of the success of our program and thrusts," ani Trinidad.
"The PBL Board will still have to meet and tackle the issue if well expand to a maximum of 12 teams as we look forward to 20 years and Beyond," dagdag pa ni Trinidad.
Ang GMC, gumagawa ng Granny goose Tortillos at General Feeds ang kasalukuyang defending champion ng Cebu Basketball Federation Charter Cup at isa sa top teams sa kasalukuyang CBF McDonalds Presidents Cup.
Ngunit, taliwas sa mga tsismis, na hindi nila puwedeng akuin ang prangkisa ng Shark Energy Drink.
"I welcome their entry in the PBL but I have not talked to any GMC official and negotiated only with Nutrilicious officials regarding the franchise of Shark Energy Drink," ani pa ng dating Shark team manager Jesse Chua upang itanggi ang nasabing ulat.