Ayon kay PBL Commissioner Chino Trinidad, maingat niyang pinag-aralan ang plano kung saan ang mga koponan ay hinati sa North at South divisions na mayroong kampeon sa bawat division.
"We (PBL) cannot be at par with what the MBA did. First and foremost, its too expensive. A calibrated regional concept would be ideal at this time and were carefully studying such a format," ani Trinidad ng maging pana-uhin siya sa lingguhang PSA forum sa Holiday Inn Hotel na hatid ng Red Bull, Agfa Color at McDonalds.
"There are so many talents available, and the success of our out-of-town games gives us more reasons to really go and expand further especially to the provinces," dagdag pa niya.
Ayon pa kay Tri-nidad, kasalukuyang nakikipag-negosasyon ang liga sa kanyang kaibigan na si Dodong Bascon upang ang Bacolod a gawing isa sa tahanan ng PBL sa south kasama ang Cebu sa pamama-gitan ng Cebu Basketball Federation (CBF) at Davao sa pamamagitan naman ng member team Montana Pawnshop.
Inihayag din niya ang ginagawang preparasyon para sa nalalapit na season na nakasentro sa PBLs 20 Years and Beyond.
Bukod sa nabanggit, palalakasin rin ng PBL ang kanilang commitment sa national flag kung saan si Trinidad ay nagpahayag ng kanyang suporta sa tatlong event--Southeast Asian Basketball Association (SEABA) Mens Championship sa Abril, Asian Basketball Confederation (ABC) Mens Championship sa September at Southeast Asian Games sa December sa Vietnam.
Plano rin ng PBL na kunin si Aric del Rosario at ang kanyang koponan na ginigiyahan para lumaro sa five-game exhibition match sa San Francisco-based team, sa pangunguna ng 23-anyos na si Mark Payton, nakakabatang kapatid ni Seattle SuperSonics All-Star guard Gary Payton at pinangangasiwaan ni Bob Ante.