La Salle tumabla

Ibinuhos lahat ni Francis Rosales ang kanyang galing nang umiskor ito ng solo homerun na nagkaloob sa De La Salle ng 4-3 panalo kontra sa University of the Philippines kahapon na nagbunga ng deciding Game-Three sa susunod na linggo.

Pinalagpas ni Rosales, na 1-of-4 sa decisive frame, ang bola sa bakod ng kaliwang bahagi ng field na naging daan para maitabla ng Archers ang best-of-three series sa 1-1 panalo-talo.

Ang Game-Three ay nakatakda sa alas-12:00 ng tanghali sa makasaysayang Rizal diamond.

Muntik nang maka-sweep ang La Salle na sana’y awtomatikong nagbigay sa kanila ng titulo nang kanilang idiretso sa 9-0 ang kanilang record.

Tinalo nila ang UP Maroons sa kanilang unang pagkikita, 6-2 ngunit isang masaklap na paghihiganti ang ginawa ng State U nang kanilang ipagkait ang sweep sa huling laro ng Archers sa pamamagitan ng kani-lang 4-6 panalo.

Binuksan ng UP Maroons ang championship series sa pamamagitan ng 4-0 panalo sa kanilang Game-One noong Huwebes.

Show comments