Dazz babawi sa Welcoat sa Lipa City
January 25, 2003 | 12:00am
Kung ang pakay ng Welcoat Paints ay makalapit sa titulo ng PBL Challenge Cup, hangad naman ng Dazz Greasebusters na pigilan ito.
Dadako ang aksiyon sa kasalukuyang Best-of Five series sa Lipa City sa muling pagsasagupa ng Dazz at Welcoat para sa Game Two ng kanilang titular showdown.
Nakatakda ang laro sa alas-4:00 ng hapon sa La Salle Sentrum.
Hawak ng Paint Masters ang 1-0 bentahe sa serye matapos ang kanilang pinaghirapang 77-68 na panalo sa isang overtime game sa pagbubukas ng finals kamakalawa sa Quezon Convention Center sa Lucena City.
Kung hindi naging madali ang unang panalo ng Welcoat, siguradong mas mabigat na hamon ang ibibigay ngayon ng Greasebusters upang makabawi sa kanilang nakaraang pagkatalo.
Mauuna munang maghaharap ang LBC-Batangas at Blu Sun Power sa ganap na ala-1:30 ng hapon para sa Game Two ng kanilang sariling Best-of-Three series.
Nakauna ang Batangas-Blades sa pamamagitan ng 74-68 panalo at ang kanilang tagumpay ngayon ay magkakaloob sa kanila ng konsolasyong ikatlong puwesto.
Muling sasandigan ng Paint Masters ang kanilang mga pambatong sina Ronald Tubid, ang bida sa kanilang nakaraang panalo matapos humakot ng 16 sa kanyang tinapos na 19-puntos sa ikaapat na quarter, Romel Adducul, Eddie Laure, Mike Pingris, Ariel Capus at Paul Artadi.
Sina John Ferriols, Allan Salangsang, Cyrus Baguio, June Peter Simon at Niño Gelig naman ang panapat ng Dazz.
Nasayang ang 18-puntos na pamumuno ng Dazz nang maglaho ito bunga ng maagang pagkaka-graduate ni Ferriols, halos limang minuto pa ang nalalabing oras sa regulation na sinundan ng pagkaka-thrown out ni Eugene Tan at pagkaka-fouled-out ni Joel Dualan. (Ulat ni Carmela V Ochoa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended