^

PSN Palaro

ICTSI nakasiguro ng playoff

-
LUCENA CITY – Matagumpay na naisara ng ICTSI ang kanilang kampanya sa elimination sa pamamagitan ng 99-69 panalo kontra sa Sunkist-Pampanga kahapon sa PBL Challenge Cup sa Quezon Province Convention Center dito.

Agresibong opensa ang agad na ipinamalas ng ICTSI Archers nang kanilang iposte ang 23-7 kalamangan sa first quarter na hindi na nila binitiwan pa.

Ipinasok ni Mika Vainio ang 10 sa kanyang 13 puntos sa huling apat na minuto upang ihatid ang ICTSI sa ikawalong panalo matapos ang apat na talo sa 12-asignatura.

Namaalam naman ang Juicers sa kontensiyon sa pamamagitan ng dalawang panalong naitala sa 10-laro.

"We really have to stay focused on that playoff against LBC-Batangas and do our best to secure the last slot into the semifinals," wika ni ICTSI coach Franz Pumaren.

"I hope we could maintain the same intensity we’ve shown today." The second stringers are also peaking up and that’s a good sign for us," dagdag pa niya.

Mula sa 41-19 pangunguna, pinagtulungan nina James Yap at Eric Yeo na palobohin ang kanilang abante sa 36 puntos, 69-33 may 1:09 ang nalalabi sa ikatlong quarter.

Isa sa naging problema ng Sunkist-Pampanga ay ang kanilang ginawang 35 pagtatapon ng bola na nagkaloob sa Archers ng 40 puntos at 34 naman sa fastbreaks.

Nagdagdag si PBA-bound Bruce Dacia ng 11 puntos at limang rebounds, habang kumana naman sina Mark Cardona at Yeo ng tig-10 puntos.

Bumandera naman sa Sunkist-Pampanga sina Ollan Omiping at Arnold Booker sa kanilang tinapyas na tig-13 puntos, habang nagdagdag naman si Charles Tan ng 11.

ARNOLD BOOKER

BRUCE DACIA

CHALLENGE CUP

CHARLES TAN

ERIC YEO

FRANZ PUMAREN

JAMES YAP

MARK CARDONA

MIKA VAINIO

SUNKIST-PAMPANGA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with