^

PSN Palaro

Buhain makikiusap sa Kongreso para sa budget ng Palaro

-
Sinabi kahapon ni Eric Buhain, chairman ng Philippine Sports Commission na pipilitin niyang kumbinsihin pareho ang Senate at House Representatives upang magbigay ng budget para sa Palarong Pambansa.

Kamakailan ay nakipag-pulong si Buhain kay Lanao del Norte Rep. Abdullah Dimaporo upang ibigay ang draft ng nasabing kahilingan at kung ano ang magiging papel ng PSC sa pinakamalaking talento na kanilang hinahanap para pumalit sa mga matatanda ng atleta ng bansa.

"I’m sure they will understand that when the Department of Education transferred the Palaro functions to us, the sports budget wasn’t included," pahayag ni Buhain.

Sa mahigit na 30-taon, pinatatakbo ng DepEd ang Palaro, ito ay mayroong regular sources na pinagkukuhanan ng pondo, dagdag pa ni Buhain. Ngunit sa nakalipas na tatlong taon, kinakailangan nilang maghagilap ng pondo mula sa ilang sources.

"There is a need to have a line function which will ensure that there will be Palaro every year," wika pa ni Buhain patungkol sa House Budget and Management committee sa pangunguna ni Nonoy Andaya.

Ngayong taon, ang Palaro ay nakatakdang ganapin sa Tubod, Lanao del Norte sa bagong gawang Mindanao Civic Center sa pamamagitan ni Rep. Dimaporo at ng kanyang asawang si Gov. Imelda Quibranza-Dimaporo.

ABDULLAH DIMAPORO

BUHAIN

DEPARTMENT OF EDUCATION

ERIC BUHAIN

HOUSE BUDGET AND MANAGEMENT

HOUSE REPRESENTATIVES

IMELDA QUIBRANZA-DIMAPORO

LANAO

MINDANAO CIVIC CENTER

NONOY ANDAYA

PALARO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with