^

PSN Palaro

No. 2 spot target ng Dazz

-
Target ng Dazz Dishwashing Liquid ang no. 2 spot sa kanilang pakikipagharap sa Welcoat Paints ngayon sa PBL Challenge Cup sa unang out-of-town game sa Lucena City.

Gaganapin ang alas-4:00 ng hapong laban sa bagong gawang Quezon Province Convention Center na inorganisa ng Quezon provincial government sa pamumuno ni Gov. Willie Enverga sa pamamagitan ng sports coordinators na sina Romy Cardenas at Eddie Barcelona at Councilor Tomas Ilao.

Sa isa pang laro, magtatagisan naman ng lakas ang Sunkist-Pampanga at ICTSI sa non-bearing match sa alas-2:00 ng hapon.

Nasiguro na ng ICTSI ang top spot sa Group B matapos igupo ng John-O ang Montana Pawnshop, 78-63 noong Huwebes ng gabi kaya’t kanilang makakalaban ang LBC-Batangas na may twice-to-beat advantage para sa wild card entry o para sa huling semifinals berth.

Dahil walang microwave facilities at satellite hook-up mula sa lalawi-gan ng Quezon, ipapalabas ang dalawang labang ito sa Linggo sa Solar TV 29 mula alas-2-6 p.m. at sa NBN mula alas-6:30 ng gabi. Dahil dito, mapapanood ang replay ng PBL Showcase mula alas-2-6 p.m.

Ang panalo laban sa Welcoat ay maglalagay sa Dazz sa pakikipagtabla sa Blu All-Purpose ngunit posibleng makuha ng Dazz ang no. 2 dahil sa mas mataas na qoutient.

Gayunpaman, ang Greesebusters ay ang underdog sa labang ito dahil sa kanilang 75-85 kabiguan kontra sa Paint Masters noong Nov. 17.

BLU ALL-PURPOSE

CHALLENGE CUP

COUNCILOR TOMAS ILAO

DAHIL

DAZZ

DAZZ DISHWASHING LIQUID

EDDIE BARCELONA

GROUP B

LUCENA CITY

MONTANA PAWNSHOP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with