Hataw sa Indonesia si Nat canson
January 8, 2003 | 12:00am
Nandito sa Pilipinas si Coach Nat Canson kasama ang kanyang maybahay na si Tess. Nakakuha sila ng bakasyon mula sa team owner ng kanyang hawak na Indonesian team kaya nakapunta sila sa Amerika nitong nakaraang December at nung Lunes eh nakabalik sila rito sa Pilipinas. Pero ngayong araw na ito ay pabalik na sila sa Indonesia.
Ayaw na siyang pakawalan nung team owner niya dahil sa malaking pagbabago ng team niya, ang Satria Muda. Noon daw ay favorite whipping team ito sa mga liga roon, pero mula nung hawakan ni Nat eh hayan at nakarating pa sa finals nitong nakaraang conference.
Ang Aspac team ang siyang may dynasty roon dahil noon pa man ay lagi na itong champion. Hawak ni Coach Ce Cep ang Aspac team. Itong si Ce Cep ang head coach ng Indonesian national team. Sa staff ng Aspac eh may isa pang Pinoy, si Bong Ramos.
Kinakabahan na nga raw itong Aspac team dahil ang Astria Muda ay humahataw na paakyat. Ngayong March ay may liga na naman sila kaya naman pabalik na nga si Nat sa Indonesia.
Umaasa siya na sila naman ang magtsa-champion.
Nakabalik na rin ang Ateneo Blue Eagles dito sa Pilipinas mula sa kanilang bonus trip sa US.
Enjoy na enjoy daw sila roon dahil nga sa marami silang napasyalan at sa dami nga naman ng mayayamang Ateneo alumni eh tiyak na marami silang baon.
Nakapanood pa sila roon ng NBA games.
Nauna na si Enrico Villanueva sa New Jersey dahil ikinasal nung December 17 ang kanyang kapatid doon. Nung Christmas ay sumunod si Enrico sa kanyang mga teammates.
Nakapanood din si Enrico kasama ang kanyang ama na si Arnold ng NBA game sa laban ng New Jersey Nets at Chicago Bulls.
After New Year eh bumalik na rito ang Blue Eagles. Hindi nakasama si Coach Joel Banal sa US dahil siya naman ay may sariling bonus trip sa Australia.
Wala pang kumpirmadong istasyon o production outfit na hahawak sa coverage rights ng PBA.
Sa January 15 pa ito malalaman pero ang drafting ay sa Linggo na, January 12. Pero nangako ang NBN 4, sa pamumuno ni Ms. Mia Concio, na ilalabas nila ang PBA drafting sa Channel 4 ngayong Linggo.
Maraming fans ang kinabahan dahil akala nila eh hindi na nila mapapanood ang drafting. Mabuti na lang at nandyan ang NBN 4 na nangako kay Comm. Noli Eala.
Isang player agent ang nagdadala rito ng Fil-Ams at imports ang nabaliw sa isang hawak niyang Fil-Am.
Ilang araw daw silang nag-usap ni Fil-Am habang nakikipag-negotiate sila sa isang PBA team.
Pero nung makapirma na si player eh ni hindi man lang daw nito tinawagan na si player agent.
Ni singko ay hindi na siya nabayaran ng komisyon.
Tsk-tsk-tsk... And so whats new?
Ayaw na siyang pakawalan nung team owner niya dahil sa malaking pagbabago ng team niya, ang Satria Muda. Noon daw ay favorite whipping team ito sa mga liga roon, pero mula nung hawakan ni Nat eh hayan at nakarating pa sa finals nitong nakaraang conference.
Ang Aspac team ang siyang may dynasty roon dahil noon pa man ay lagi na itong champion. Hawak ni Coach Ce Cep ang Aspac team. Itong si Ce Cep ang head coach ng Indonesian national team. Sa staff ng Aspac eh may isa pang Pinoy, si Bong Ramos.
Kinakabahan na nga raw itong Aspac team dahil ang Astria Muda ay humahataw na paakyat. Ngayong March ay may liga na naman sila kaya naman pabalik na nga si Nat sa Indonesia.
Umaasa siya na sila naman ang magtsa-champion.
Enjoy na enjoy daw sila roon dahil nga sa marami silang napasyalan at sa dami nga naman ng mayayamang Ateneo alumni eh tiyak na marami silang baon.
Nakapanood pa sila roon ng NBA games.
Nauna na si Enrico Villanueva sa New Jersey dahil ikinasal nung December 17 ang kanyang kapatid doon. Nung Christmas ay sumunod si Enrico sa kanyang mga teammates.
Nakapanood din si Enrico kasama ang kanyang ama na si Arnold ng NBA game sa laban ng New Jersey Nets at Chicago Bulls.
After New Year eh bumalik na rito ang Blue Eagles. Hindi nakasama si Coach Joel Banal sa US dahil siya naman ay may sariling bonus trip sa Australia.
Sa January 15 pa ito malalaman pero ang drafting ay sa Linggo na, January 12. Pero nangako ang NBN 4, sa pamumuno ni Ms. Mia Concio, na ilalabas nila ang PBA drafting sa Channel 4 ngayong Linggo.
Maraming fans ang kinabahan dahil akala nila eh hindi na nila mapapanood ang drafting. Mabuti na lang at nandyan ang NBN 4 na nangako kay Comm. Noli Eala.
Ilang araw daw silang nag-usap ni Fil-Am habang nakikipag-negotiate sila sa isang PBA team.
Pero nung makapirma na si player eh ni hindi man lang daw nito tinawagan na si player agent.
Ni singko ay hindi na siya nabayaran ng komisyon.
Tsk-tsk-tsk... And so whats new?
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended