Krusiyal na laro ng PBL sa Quezon
January 8, 2003 | 12:00am
Nakatakdang dayuhin ng Philippine Basketball League ang probinsiya ng Quezon ngayong Sabado sa kanilang out-of-town game kung saan dalawang krusiyal na laban ang masisilayan ng mga residente dito.
Ang magiging venue ng nasabing dalawang pares ng salpukan ay ang bagong tayong Quezon Convention Center kung saan tangka ng ICTSI na makaseguro ng playoff para sa huling semifinals slot kontra sa Sunkist-Pampanga sa alas-2 ng hapon.
Sa kabilang dako naman, puntirya ng Dazz Dishwashing Paste na maupuan ang No. 2 slot kung maipapanalo nila ang kanilang laban kontra naman sa Welcoat Paints sa alas-4.
Ang dalawang sultadang ito ay inorganisa ng Quezon provincial government sa ilalim ng pangangasiwa ni Gov. Willie L. Enverga sa pamamagitan ng sports coordinators na sina Romy Cardenas, Eddie Barcelona at Councilor Tomas Ilao.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended