Milo Checkmate: Buenavista, Songcuya nanalasa
January 6, 2003 | 12:00am
Maningning na sinimulan ng 12-anyos na si John Robin Buenavista at Emmanuel Eumir Songcuya II ang kani-kanilang kampanya noong Biyernes sa pagposte ng ikatlong sunod na panalo matapos ang tatlong rounds ng paglalaro sa final stage para sa selection ng miyembro ng 2003 US-bound Milo Checkmate team sa Greenhills Shopping Center.
Umiskor si Buenavista ng Kalookan City na naunang nanalo kontra kina Dominique Layugan ng Cainta at Aices Salvador ng Manila sa kaagahan ng round ang kanyang ikatlong panalo laban kay JC Marquez ng Pulilan, Bulacan sa 44-moves ng Caro-Kann upang makisosyo sa liderato kay Songcuya II ng San Juan na mayroong perfect iskor na tatlong puntos sa six-man field under 12 group.
Sa 10 under class, tinalo ng Pangasinan bet na si Haridas Pascua at Karl Vincent at Karl Vicente ng Cainta sina Nigel Galan ng Valenzuela sa 33 moves ng Sicilian game at hini-ya naman ni Vicente si Aurelio Isaac Doctor III sa 40 sulungan ng isa pa ring Sicilian variation upang magsolo sa liderato.
Nananatiling nasa kontensiyon naman na may tig-dalawang puntos sina Galan at MJ Turqueza ng Quezon. Ginapi ni Galan si Emmanuel Elijah Songcuya III sa 33 moves ng Guico Piano bago naisubi ang kanyang puntos kontra Doctor.
Pinayukod naman ni Turqueza si Christy Lamiel Bernales at Antoni Seloterio para sa kanyang dalawang panalo.
Ang mananalo sa three age-group division ay makakasama ng seeded na si Emmanuel Emperado at Gabriel Layugan para sa US-bound Milo Checkmate team.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest