Andrada, Philta prexy ulit

Samantala, muling nahalal sa pagka-pangulo ng Philippine Tennis Association si Col. Salvador Andrada makaraan ang isinagawang eleksiyon kahapon sa Manila Midtown Hotel.

Si Andrada ay nakakuha ng solidong 16-0 boto mula sa apat na Philta National Executive Committee at 12 mula sa regional vice president na nagbigay sa kanya ng panibagong apat na taong termino hanggang 2007.

Nag-abstained naman si Philta secretary general Atty. Juan Marfil, hindi naman sumipot si Region 7 vice-pres. Alfredo Ngo dahil sa personal na commitment.

Nag-withdraw si Giovanni Mamawal, president ng Children’s Tennis Workshop na siyang organizer ng 14-year-old Milo Junior Tennis Cup presidential race para sa ikagaganda ng Philippine tennis.

Hindi rin sumipot si dating Gintong Alay executive director Arturo ‘Bong’Ilagan Jr., na nabigong mag-file ng kanyang kandidatura.

"In spite of all the critics, we will continue to do what is good for tennis," pahayag ng 66-anyos na si Andrada na nagsimulang manungkulan sa puwesto simula noong 1986.

Samantala, inalok naman ni dating Philta chief at dating Parañaque City Mayor Pablo Olivarez, chairman ng Philta ang kanyang tennis center bilang training venue para sa national players.

Show comments