Alaska mas interesado kay Cortez kesa kay Adducul
December 30, 2002 | 12:00am
Hindi interesado ang Alaska Aces sa dating MBA superstar na si Romel Adducul kundi sa Fil-Am na si Mike Cortez.
Dahil dito, sa Barangay Ginebra lalagpak ang 6-6 na si Adducul, produkto ng San Sebastian College sa nalalapit na Annual Draft ng Philippine Basketball Association sa Enero 12 sa Glorietta.
Ayon kay Alaska team manager Joaqui Trillo, kailangan nila si Cortez, key player ng De La Salle, dahil kulang sa lehitimong point guard ang kanilang koponan.
Tiyak namang di pakakawalan ng Gin Kings ang pagkakataong maku-ha si Adducul kung wala silang mapupusuang Fil-Am Player na nagpalista sa draft.
May balitang nagkasundo na ang coaching staff ng Ginebra at management na kunin si Adducul gayunpaman, pinag-aaralan pa nila ang credentials ng mga Fil-Am players.
Kung top pick si Cortez at no. 2 si Adducul, wala pang napipisil na no. 3 pick ang Shell Velocity.
Pinagpipilian ng Turbo Chargers sina Enrico Villanueva, ang slotman ng Ateneo, ang forward na si Eddie Laure, isa pang MBA star na si John Ferriols at Fil-Am Jimmy Alapag para punan ang kanilang kakulangan sa malalaking player.
Susunod na pipili ang Purefoods at inaasahang kukunin nila ang maiiwanan ng Shell kina Villanueva, Laure, Alapag at Ferriols.
Kung kukunin ng Ginebra si Adducul, lalakas ang front court ng Kings dahil sa karagdagang tulong kina Eric Menk at Jun Limpot.
May kabuuang 67 manlalaro ang nagpalista sa draft kabilang ang 22 Fil-Am foreign players.
Ang lahat ng Fil-foreign players ay kinakailangang makapagbigay ng kanilang Department of Justice confirmation hanggang sa Enero 10 para makasama sa draft.
Ikalimang pipili ang Sta. Lucia Realty, kasunod ang Talk N Text, Red Bull, San Miguel Beer, Coca-Cola at Alaska Aces.
Sa katunayan ang first pick ay ang FedEx ngunit ang kanilang draft rights ay napunta sa Aces dahil sa isang trade noong nakaraang taon.
May tsansa ang mga coaches na makaliskisan ang mga draftees sa Enero 10 sa gaganaping rookie camp sa Megamall.
Bukod sa mga draftees, makakapili rin ng player ang 10 teams ng PBA sa 65 players na mapapaso ang kontrata ngayong December 31.
Inaasahang makakasama sa first round picks sina Billy Mamaril at Rysal Castro, forwards Bruce Dacia, Ralph Rivera, Reynel Hugnatan, Jenkins Mesina, Sunday Salvacion, Marlon Legaspi at Cid White, at guards Stephen Padilla, Jec Chia, Ronald Tubid, Egay Echavez, Cyrus Baguio at Rob Johnson.
Ang iba pang draftees ay sina Kalani Ferreira, Sanley de Castro, Abra-ham Pagtama, Mark Caguco, Joseph Lee Dominguez, Aldrich Reyes, Carlos Sayon, Michael Tablan, Francis Rauschmayer, Tom Arceno, Richard Hardine, William Villa, Nani Epondulan, Ariel Capus, Harvey Carey, Leodito Yanogacio, Dennis Morante, Mike Bravo, Luis Salvador Jr., Christian Gavina, Rendell dela Rea, Boy Margate, Oliver Machica, Raymund Sotto, Ed Pimentel, Brandon Cablay, Clarence Cole, Melvin Taguines, Rodel Medina, Dustin Coloso, Leo Bat-Og, Jeff Sanders, Arnold Calo, Ramil Ferma, Jerry Jaca, Jose Villar, Richmond delos Santos, Chris Guinto, Michael Peteros, Adonis Sta. Maria, Chris Corbin, Vincent San Diego, Eugene Tejada, at Khomar Khansroff.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended