^

PSN Palaro

Yumaong sports heroes pararangalan din ng PSA

-
Pararangalan rin ng Philippine Sportswriters Association ang mga yumaong sports heroes na lumaro para sa bandila ng bansa sa international competitions sa gaganaping PSA 2002 Annual Sports Awards Night sa Jan. 10 sa Holiday Inn Manila.

Labing-dalawang mahuhusay na manlalaro na nag-uwi ng medalya sa kani-kanilang sports nang sila ay nabubuhay pa ang tatanggap ng posthumous awards mula sa pinakamatanda ng news organization sa bansa sa Awards Night kung saan si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang siyang panauhing pandangal at tagapagsalita.

Ang mga awardees na sumakabilang buhay na sa taong ito ay sina dating Olympians Charlie Badion, Eddie Decena, Ben Francisco, Eddie Lim at Martin Urra at dating RP team members Alex Clariño, Jack Tanuan at Zaldy Zschornack.

Ang iba pang pararangalan ay sina dating Philippine Chess Federation president Art Borjal, dating Philippine Olympic Committee president Jose C. Sering, dating Tempo sports editor Rudy Navarro at dating chess Olympian Ben Flores.

Ang naturang awards night ay dadaluhan ng mga sports leaders mula sa pribado at government sector na sponsored ng Red Bull at Photokina na may suporta mula naman sa San Miguel Corporation, Sam-sung, Philippine Charity Sweepstakes Office, Philippine Sports Commission at Adidas.

Si Badion ay kilala dahil sa kanyang bicycle drives noong kanyang kabataan ay naging miyembro ng RP team na tumapos ng ikapito sa 1956 Melbourne Olympics. Lumaro rin siya sa RP team noong 1959 Chile World Championships at 1960 Rome Olympics at naging miyembro rin ng RP team na nanalo ng Asian Games gold medal noong 1958 Tokyo Asian Games.

Si Decena ay naging miyembro rin ng RP team noong 1948 London Olympics, habang si Francisco, ama ni Sta. Lucia cager Gerard Francisco ay lumaro noong 1954 World Basketball Championships sa Rio de Janeiro, Brazil.

Lumaro rin si Lim noong 1959 World Championships, 1952 Helsinki Olympics at 1956 Melbourne Olympics at naging bahagi ng RP team na nagwagi ng gold noong 1954 at 1958 Asian Games at 1960 ABC Championships.

Isang Olympian si Urra na naging bahagi ng La Salle Green Archers at Yco Painters. habang si Clarino na lumaro para sa Apcor sa MICAA at Ginebra, Gilbey’s Gin at Tan-duay sa PBA ay naging kasapi ng RP team na namayani ng gold noong 1977 Southeast Asian Games.

Si Tanuan na dating varsity player ay naglaro sa RP squad na sumungkit ng bronze noong 1986 Asian Games, habang si Zschornack, kilalang sikat na movie star ay isang avid golfer na lumaro sa bansa sa Putra Cup.

Miyembro naman si Flores ng RP team noong 1998 World Chess Olympiad sa Kalmykia, Russia.

ALEX CLARI

ANNUAL SPORTS AWARDS NIGHT

ART BORJAL

ASIAN GAMES

AWARDS NIGHT

BEN FRANCISCO

CHILE WORLD CHAMPIONSHIPS

MELBOURNE OLYMPICS

NOONG

TEAM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with