Caneleta, PBL Slamdunk King
December 21, 2002 | 12:00am
Hindi pa naglalaro si UE Warrior Niño Caneleta PBL ngunit nakuha nito ang atensiyon laban sa mga manlalarong nagpakitang gilas kamakalawa sa 2002 PBL Showcase sa Makati Coliseum.
Marami ang nag-cheer kay Caneleta, ang rookie UE Warrior na siya ring tinanghal na Champions League Slam Dunk Crown, nang dalawang beses nitong nilundagan ang isang kasamahan bago du-makdak para sa perfect 60 points mula sa mga hurado na pinangunahan nina PBA coach Eric Altamirano at Ronnie Magsanoc.
Pagkatapos ng contest, pinagbigyan pa ni Caneleta ang mga tao ng isang exhibition dunk nang kanyang talunin ang tatlong tao bago isalaksak ang bola.
May tsansa pa ang mga PBL fans na mapanood ang PBL Showcase sa Solar TV Channel 29 bukas mula alas-2:00 hanggang alas-6:00 ng gabi.
Nakihati din ng atensiyon sina Jean Marc Pingris ng Welcoat nang kanyang sirain ang ring sa kanyang first try sa Slam-off finals. Para sa kanyang 30-puntos ngunit ang kanyang second try ay hindi maganda na naging dahilan ng kanyang 55-puntos tulad ni Jun Simon ng Dazz.
May 70 manlalaro ang nagpakitang gilas sa naturang event kung saan naibulsa ni Alex Compton ang MyPBL.com Long Distance Shootout crown nang umiskor ito ng 14-puntos sa final round kontra kay Nicole Uy ng LBC Batangas at Ismael Junio ng Cheese Balls-Shark na tumapos ng 10 at 8 puntos ayon sa pagkakasunod.
Ang iba pang nag-uwi ng karangalan ay sina Lou Gatumbato ng Blu at ang tambalan nina Simon at Allan Salansang ng Blu. Nagposte ng come-from-behind panalo si Gatumbato para makopo ang Slalom title habang umani naman sina Simon at Salangsang ng 74-puntos sa final round ng 2-ball competition upang talunin ang LBC-Batangas duo nina Al Magpayo at Compton (56 points)at ang Montana pair nina Edgar Echavez at Jon Dan Salvador (54 pts.).

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am