^

PSN Palaro

John O sinilat ng Sunkist

-
BAGUIO City – Naging matatag ang Sunkist-Pampanga sa huling limang minuto ng labanan upang silatin ang John-O, 81-79 kahapon sa PBL Challenge Cup na ginanap sa Baguio Colleges Foundation gym dito.

Ito ang ikaanim na pagkatalo sa 10-laro ng John-O na naglagay sa alanganin ng kanilang kampanya para sa wild card entry patungo sa crossover semifinals.

Sa simula pa lamang, naging palaban na ang Sunkist-Pampanga sa pangunguna ni Wilson na humakot ng 11-puntos sa ikalawang quarter para sa kanilang 53-41 kalamangan sa halftime na kanilang pinalobo sa 14-puntos sa ikatlong quarter.

Dahil wala nang pag-asa ang Sunkist-Pampanga at Cheese Balls-Shark sa 4-0 incentive, ang no. 1 team sa Group B pagkatapos ng ikala-wang round ng eliminations ay may karapatang kalabanin ang no. 4 squad sa Group A para sa huling semifinals berth.

Ngunit unti-unting naupos ang malaking kalamangan ng Juicers nang magtulong sina Bryan Olaguer at Mark Macapagal para ilapit ang John-O sa 64-65 sa pagtatapos ng third quarter.

Kumayod naman si Ricky Calimag sa final period para kunin ng John-O ang 74-71 kalamangan ngunit kumulapso ang kanilang open-sa na nagbigay daan para kunin ng Sunkist-Pampanga ang 80-77 kalamangan, 17 segundo na lamang.

vuukle comment

BAGUIO COLLEGES FOUNDATION

BRYAN OLAGUER

CHALLENGE CUP

CHEESE BALLS-SHARK

GROUP A

GROUP B

JOHN-O

MARK MACAPAGAL

RICKY CALIMAG

SUNKIST-PAMPANGA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with