Nagsalpak si Ricky Ricafuente ng tres sa huling 50 segundo ng labanan upang ibigay sa tropa ni coach Tito Palma ang kampanteng 80-75 kalamangan na naging mitsa ng kanilang ikatlong sunod na panalo.
Sa iba pang laro, nananatiling nakasakay sa likod ng Spring ang Cebus M. Lhuillier Jewelers nang kanilang igupo ang Hartman, 124-98, habang tinalo ng Wangs Ball Club ang RP-Burlington Youth team, 106-101.