^

PSN Palaro

Hiling ng PBA sa senado tinanggihan

-
Tumanggi sina Senators John Osmeña at Robert Barbers na ipagpaliban ang isasagawang imbestigasyon kaugnay sa kuwestiyunableng 25 Fil-Ams players hangga’t hindi natatapos ang kasalukuyang huling kumperensiya ng Selecta-PBA All-Filipino Cup.

Base sa ipinadalang sulat ni PBA Commissioner Jun Bernardino kay Barbers, chairman ng senate committee on games, amusements and sports, nakahanda ang PBA na makipagtulungan sa isasagawang imbestigasyon hinggil sa pagkakaroon ng dugong Filipino ng nasabing mga foreign cagers, pero nakiusap siya na dahil sa nasa kainitan na ang laban ng All-Filipino Cup, malaki ang magiging epekto nito sa mga koponan kung kaya’t sa buwan na lamang ng Enero simulan ang nasabing pagdinig.

Ayon pa kay Bernardino, nasa krusiyal stage ang mga players para madetermina ang papasok sa finals ng All-Filipino Cup kaya mahihirapan ang mga players na makadalo sa gaganaping hearing ng senado sa buwang ito.

Bukod dito, araw-araw ang ensayo ng mga manlalaro bilang paghahanda sa kanilang mga laban kaya mahirap para sa mga ito ang dumalo pa ngayon sa hearing sa senado.

"I request the good chairman to postpone said public hearing until after the conclussion of the All-Filipino Cup for the benefit of the league, the teams and most particularly the PBA legion’s of fans," wika pa ni Bernardino sa kanyang liham kay Barbers. (Ulat ni Rudy Andal)

ALL-FILIPINO CUP

AYON

BERNARDINO

BUKOD

COMMISSIONER JUN BERNARDINO

ENERO

ROBERT BARBERS

RUDY ANDAL

SENATORS JOHN OSME

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with