Sikat na kasi

Dalawang taon na pala namang tumatakbo ang issue na yan eh kung bakit ngayon biglang pumutok ang balita.

Naloka ang Viva TV sportscaster na si Noli Eala tungkol sa adultery raps na lumabas tungkol sa kanya kamakailan lang.

Timing na timing nga naman kung kailan kainitan na ang labanan para sa puwesto ng commissioner sa PBA. Kung saka-sakali, malaking dagok ito para sa kanya.

Ganyan talaga, Noli!

Sikat ka na kasi!.
* * *
Biglang nalaos ang papasikat na sanang PBA player na ito.

Noon una’y nagiging in-demand na sana siya for commercial endorsements pero ngayon eh naglaho na lahat ito dahil nga sa sumadsad ang kanyang popularidad.

Hindi na siya hinabol-habol ng mga fans tulad nung nag-uumpisa pa lang siya.

Minsan siyang na-cover sa isang sikat na glossy magazine pero nilangaw sa mga newsstands ang naturang magazine. Kaya yung ibang nagpa-plano na ilagay din siya sa cover eh nag-back out .

Pati nga fans niya na dating aligagang-aligaga sa kanya eh lumipat na rin sa ibang idolo. "Biro mo, ayaw niya kaming magtayo ng fans club. Baduy daw kapag may fans club," reklamo ng isang basketball fan na dati’y nagmamahal sa kanya.

Sabi nga ng sports columnist na si Malou Aquino, "Naku, napakayabang niya kasi no. Ang laki-laki na ng ulo niya, akala mo kung sino nang sikat!"

Mismo!
* * *
Nag-meeting ang isang PBL team. Ipinatawag ito ng may-ari ng team dahil sa masamang inilalaro ng kanyang mga players.

Ngayon lang daw nakita ng mga players na magalit nang ganoon si team owner.

"Kapag kayo ay hindi nagbago ng paglalaro ninyo, kung puro talo pa rin ang ibibigay nyo sa akin, maghanap na kayo ng ibang team na lalaruan. Milyon ang nagagastos ko sa pagtayo ng team na ito, tapos puro rin lang kayo talo. Pag hindi kayo umabot sa finals, idi-disband ko na lang ang team na ito next year," sabi ni team owner.

Pakiramdam ng mga players eh seryoso si team owner kaya hayan, tingnan nyo ang mga players at nagkukumahog para manalo.
* * *
Buntis na ang babaeng bagong kinakasama ng isang sikat na player na humiwalay na sa kanyang asawa.

Yan ang dahilan kung bakit marami ang nagsasabing hindi na magkakabalikan pa sina player at ang kanyang dating misis kahit sabihin pang may anak na sila.

Show comments