Utol ni Manny Pacquiao idedepensa ang korona
November 17, 2002 | 12:00am
Umaasa na masusundan ang yapak ng kanyang nakakatandang kapatid na si Manny, idedepensa ni Bobby Pacquiao, kasalukuyang Philippine Superfeatherweight champions ang kanyang korona kontra sa dating Philippine Featherweight champion Baby Lorona Jr., sa Nov. 20 sa Casino Filipino Parañaque Theater.
Nasa limang taon pa lamang siya sa pagiging professional boxing circuit, nagawa na niyang makasabay sa ilang mahuhusay na fighters ng bansa.
Noong Marso 2000 at Mayo 2001, tinangka niyang agawin ang RP Superbantamweight crown ni Dino Olivetti subalit nabigo siya sa dalawang tangka. Isang taon ang nakaraan, siya ay umakyat sa 130-pound category kung saan dito niya nakopo ang RP Super-featherweight title kontra Renato Inal sa pamamagitan ng technical knockout na panalo sa 11th round.
Noong Setyembre, matagumpay niyang naidepensa ang kanyang hawak na korona kontra Al Deliguer sa pamamagitan ng technical knockout sa 4th round.
At ngayon, nahaharap si Pacquiao sa isang mabigat na kalaban sa katauhan ni Lorona Jr., na nangakong bibigyan si Pacquiao ng laban na hindi niya malilimutan.
At sa kanyang tune-up fight noong nakaraang Setyembre 18, siya ay nagpamalas ng impresibong performance kontra Tirso Albia nang kanya itong pigilan sa pamamagitan ng TKO.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended