Pinay softnetter nag-uwi ng gold medal

Nag-uwi ng malaking karangalan sa bansa ang top seed player ng Philippine Women’s Soft Tennis team na si Jose-phine ‘Bing’ Paguyo nang kanyang isubi ang gintong medalya sa Thailand Open Soft Tennis Invitational Championship 2002 sa Phuket, Thailand noong Nov. 8-11.

Tinalo ni Paguyo ang Thailand protegee na si Naree Sawitre sa finals via 4-3 tiebreak (7-4) sa 35 minutos na hard action. Sumungkit rin si Paguyo ng gold sa women’s doubles kasama ang RP no. 2 na si Rona Bantay sa pamamagitan ng 5-2 panalo kontra sa Thailand duo soft tennisters.

Nakuntento lamang ang men’s team na binubuo nina Wenifredo ‘Pitik’ De Leon Jr., at Richmon Paguyo sa silver sa men’s double event, habang naka-silver rin ang tambalang de Leon at Bantay sa mixed doubles event.

Show comments