ML Kwarta Padala ubos sa Spring Cooking Oil
November 12, 2002 | 12:00am
CEBU CITY--Naging maganda ang debut ng kasalukuyang national champion Spring Cooking Oil sa CBL (Cebu Basketball League) hoop encounter noong nakaraang linggo nang kanilang pabagsakin ang top-rated ML Kwarta Padala, 78-74 sa Cebu Coliseum dito.
Pinamunuan ni Braulio Lim ang apat na iba pang kumana ng double figures nang pigilan ang mga Cebuanos na binanderahan naman ni Peter Naron at iba pang apat na dating stars ng MBA.
Nagtala si Lim ng 16 puntos na nakakuha ng mala-king suporta mula kina Rodel Manuel na umiskor ng 15, Tyrone Bautista (12), Dave Bautista (10) at Lito Saygo (10).
Nagwagi rin ang dalawang iba pang Cebu teams ang M. Lhuillier at University of the Visayas sa iba pang laro.
Tinalo ng Jewelers ang Forward Taguig, 97-86 habang naungusan ng Green Lancers ang University of San Jose-Recoletos Jaguars, 80-77.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest