^

PSN Palaro

152 riders sa pre-qualifying ng 2003 Tour Pilipinas

-
May 152 riders ang mag-lalaban laban para sa slots sa susunod na 2003 Tour Pilipinas sa 40-km individual time trial (ITT) pre-qualifying race sa Barangay Malaya, Pililia, Rizal.

Ang mga aspirants ay naghahangad makasama sa apat na teams ng Metro Manila, Bicol, Central Luzon at Nueva Ecija at sa karerang pangangasiwaan ng Professional Cycling Association.

Magsisimula ang karera sa alas-8:00 ng umaga ngunit isa-isang pakakawalan ang mga siklista ng may dalawang minutong pagitan.

Mayroon pang dalawang pre-qualifying races, ang susu-nod sa Nov. 17 sa Pililia at ang huli ay sa Argao, Cebu sa Nov. 24.

Ang top 120 riders sa tat-long qualifying races ay uusad sa ikalawang yugto ng qualifying na 192.5km massed start race mula Antipolo hanggang Baras via Real, Quezon at sa final phase na 40-km ITT sa Pililia din.

Pinakamaraming lahok ang Manila na may 65 riders kasu-nod ang Nueva Ecija na may 30, 29 sa Bicol at 28 sa Central Luzon.

Bagamat nagpalista ang mga national team members na sina dating Tour champion Warren Davadilla, Paterno Curtan Jr., Elmo Ramos, Nilo Estayo at Paulo Manapul, hindi tiyak kung sila ay makakapedal sa karera ngayong umaga. (Ulat ni Carmela V. Ochoa)

vuukle comment

BARANGAY MALAYA

BICOL

CARMELA V

CENTRAL LUZON

ELMO RAMOS

METRO MANILA

NILO ESTAYO

NUEVA ECIJA

PATERNO CURTAN JR.

PILILIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with