Tinalo ni Antonio, lumaro sa board 1 matapos na palitan si GM Eugene Torre ang kalabang super GM na si Sergei Movseian na may ELO 2507 matapos ang 61 moves ng Sicilian Alapin.
Ang kabiguang ito ang naglagay sa Filipinos ng pakikisalo mula sa 33rd hanggang 35th puwesto sa Romania at Ireland kung saan nakalikom na sila ng 19 puntos patungo sa huling round na lamang.
Yumukod naman si GM Bong Villamayor sa isa pang super GM na si Lubomir Ftacknik na may ELO 2603 sa 55 sulungan ng Slav Defense.
Habang nalasap ng bagong International Master na si Petronio Roca ang kanyang unang pagkatalo sa mga kamay ni GM Jan Plachetka na may ELO 2444 sa 55 move ng Torre Attack.
Nauwi naman sa draw ang sagupaan sa pagitan nina GM candidate Mark Paragua at GM Gennadji Timorcenko makaraan ang 44 sulungan ng Scotch Opening.
Susunod na haharapin ng RP chessers ang 50th seed Bangladesh sa final round na dumanas naman ng 1.5-2.5 kabiguan sa mga kamay ng 17th seed Czech Republic.
Inaasahan na muling isasalang sa board si Torre upang pagandahin ang kampanya ng bansa na masusukatan ng talento nina GMs Niaz Murshed, Ziaur Rahman, IMs Sttar Bin Reefat, Rakib Abdulla at Enamul Hossain.
Hindi rin pinalad ang RP womens team nang silatin sila ng Sri Lanka, 2-1.