^

PSN Palaro

PBL nag-alok ng tulong sa preparasyon sa SEA Games

-
Inialok ni PBL Commissioner Chino Trinidad kahapon ang kanyang mga kamay para pangasiwaan ang preparasyon ng National team na lalahok sa Southeast Asian Games sa susunod na taon.

Ang naturang alok ni Trinidad ay kanyang ginawa matapos ang consensus ng basketball officials ng bansa sa pangunguna ng basketball guru at CUBCC chairman na si Joe Lipa para sa panganga-ilangan ng makatotohanang programa upang palakasin ang tsansa ng bansa sa mga international competitions.

Tinukoy ni Lipa ang naging kampanya ng RP team sa nakaraang Busan Asian Games, sinabi nito sa mga sportswriters sa lingguhang PSA Forum na hatid ng Red Bull, Agfa Color at McDonald’s na kailangan ng bansa ng isang long-term program upang ganap na makapagprepara para sa prestihiyosong international meets.

Ang iba pang panauhin ay sina CUBCC Commissioner Ramon Fernandez, BAP vice-president Christian Tan gayundin si Welcoat coach Leo Austria, Kutitap mentor Junel Baculi, LBC-Batangas coach Nash Racela --na lahat ay pawang pumayag sa pananaw ni Lipa sa nasabing forum na ginanap sa Holiday Inn Manila Pavillion.

"Pinag-uusapan ang service to the National flag, hindi na dapat nagdadalawang salita diyan. Even at this early, I will be committing the resources and talents of the PBL in preparing a team for the SEA Games," pahayag ni Trinidad.

AGFA COLOR

BUSAN ASIAN GAMES

CHRISTIAN TAN

COMMISSIONER CHINO TRINIDAD

COMMISSIONER RAMON FERNANDEZ

HOLIDAY INN MANILA PAVILLION

JOE LIPA

JUNEL BACULI

LEO AUSTRIA

NASH RACELA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with