St.Benilde gaganti sa UE

Hangad makaganti ng College of St. Benilde at panatilihing buhay ang kanilang tsansa sa finals sa kanilang pakikipagharap ngayon sa University of the East sa pagpapatuloy ng UAAP-NCAA Benefit Games Showdown para sa Bantay Bata sa Makati Coliseum.

Tangkang makaganti ng CSB Blazers sa kanilang 57-72 pagkatalo kontra sa UE Warriors at manalo ng mahigit 16-puntos upang magkaroon ng tsansa sa finals.

Inaasahang magkasamang isusulong ngayon nina Sunday Salvacion at Jan Coching sa kaunahang pagkakataon ang kanilang team sa kanilang pang-alas-2:00 ng hapong engkwentro.

Maghaharap naman ang NCAA champion na San Sebastian College at UAAP champion Ateneo de Manila sa alas-4 ng hapon.

Nais ng SSC Stags na makabawi kontra sa AdMU Blue Eagles at makasiguro din ng puwesto sa Best-of-three finals.

Show comments